ROCKETS BINOMBA ANG RAPTORS

ROCKETS VS RAPTORS

NAGBUHOS si James Harden ng 35 points — 19 sa huling pitong minuto ng fourth quarter – at nabitiwan ng bumibisi-tang Houston Rockets ang 22-point lead bago nakabalik upang igupo ang Toronto Raptors, 107-95, at mapalawig ang kanilang  winning streak sa anim na laro.

Nagdagdag si Gerald Green ng 18 points para sa Rockets, na nanalo sa  dalawang paghaharap nila ng Raptors ngayong season.

Nag-ambag sina Eric Gordon at Austin Rivers ng tig-13 points para sa Rockets, habang gumawa si Clint Capela ng 9 points at 15 rebounds at tumipa si  Chris Paul ng 5 points, 10 assists at 6 rebounds.

Nanguna si Kawhi Leonard para sa Toronto na may 26 points, ku­mamada si  Pascal Siakam ng 17 points at 10 rebounds, at nagdagdag si Serge Ibaka ng 10 points at 15 rebounds.

TIMBERWOLVES 131, THUNDER 120

Nagpakawala si Karl-Anthony Towns ng 41 points upang pangunahan ang  Minnesota sa pagdispatsa sa bumibisitang Oklaho-ma City sa Minneapolis para sa kanilang ikatlong sunod na panalo ngayong season laban sa Thunder.

Nagbalik si Paul George sa lineup ng Oklahoma makaraang lumiban ng tatlong laro dahil sa sore shoulder, subalit nagkumahog siya sa pagbuslo ng 8 of 25 shots lamang mula sa field at 4 of 14 mula sa 3-point area upang magtapos na may 25 points.

Nagbida si Russell Westbrook para sa Thunder na may 38 points at 13 rebounds, nagsalpak ng 15 of 28 shots at limang 3-pointers. Tumapos si Andrew Wiggins na may 18 points para sa Timberwolves.

GRIZZLIES 120, TRAIL BLAZERS 111

Tumirada si Mike Conley ng career-high 40 points upang pangunahan ang  Memphis laban sa bumibisitang Portland, sa pagsal-pak ng 6 of 7 3-point attempts habang kumonekta sa 12 of 18 shots overall.

Nagdagdag si Delon Wright ng 25 points sa 9-of-13 shooting para sa  Memphis, at umiskor si Jonas Valanciunas ng 17 points.

Umiskor si CJ McCollum ng 27 points para sa Trail Blazers, na tumapos sa  5-2 sa seven-game road trip. Nakalikom si Damian Lillard ng 24 points, at nagdagdag si Maurice Harkless ng season-best 20.

76ERS 114, MAGIC 106

Kumabig si JJ Redick ng 26 points, ang kanyang ika-23 20-point game ngayong season, upang pangunahan ang host Philadel-phia kontra Orlando.

Umiskor si Tobias Harris ng 21 points at humugot ng 12 rebounds, habang nagdagdag si Ben Simmons ng 16 points, 13 re-bounds at 8 assists para sa  Philadelphia.

Nanguna si Evan Fournier para sa Magic na may 25 points habang nag-ambag sina Aaron Gordon ng  24, Jonathan Isaac ng 16 points at Nikola Vucevic ng 12 points at 12 rebounds.

PACERS 105, BULLS 96

Umiskor si Bojan Bogdanovic ng 27 points sa 9-for-14 shooting, at naging matatag ang Indiana upang pabagsakin ang Chicago sa Indianapolis.

Nagdagdag si Darren Collison ng 22 points sa 7-for-10 shooting para sa  Pacers. Nagtala si Myles Turner ng 10 points at 11 rebounds, at nagtala ng career high seven blocked shots.

Nagbuhos si Zach LaVine ng 27 points upang pangunahan ang Bulls. Tumapos si Robin Lopez na may 20 points, at naiposte ni Lauri Markkanen ang kanyang ika-6 na double-double sa nakalipas na pitong laro na may 14 points at 13 rebounds.

Comments are closed.