ROCKETS BUMAWI (Nalusutan ang Warriors sa OT sa Game 3)

ROCKETS

NASUNDAN ni James Harden ang isang contested 3-pointer laban sa shot clock ng isang challenged floater sa lane, at kinuha ng Houston Rockets ang Game 3 ng Western Conference semifinal series sa pamamagitan ng 126-121 overtime victory kontra bumibisitang Golden State Warriors noong Sabado.

Natapyas ng Houston ang series deficit sa 2-1, kung saan nakatakda ang Game 4 sa Lunes sa Houston.

Tumapos si Harden na may 41 points, 9 rebounds at 6 assists, habang nagdagdag sina Eric Gordon ng 30 points at Clint Capela ng 13 points at 11 rebounds.

Naipasok ni Harden ang isang step-back 3-pointer laban kay Andre Iguodala, may 49 segundo ang nalalabi sa overtime, upang palobohin ang kalamangan ng Houston sa 124-118.

Sumagot si Kevin Durant, nagbuhos ng game-high 46 points sa 14-of-31 shooting, ng tatlong free throws kasunod ng foul ni Austin Rivers, subalit umiskor si Harden kontra Draymond Green sa sumunod na possession para sa five-point lead.

Makaraang magmintis si Stephen Curry sa uncontested dunk na nagtapyas sana sa deficit sa tatlo, may 19.2 segundo ang nalalabi, hindi nag-foul ang Warriors, at nakuha ng Rockets ang unang panalo sa serye.

Naitala ni Durant ng 10 sunod na puntos ng Warriors upang simulan ang fourth quarter, at nag-ambag si Green ng 19 points, 11 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika-6 na career postseason triple-double sa pagkatalo.

Kasama si Iguodala (16 points, 3 of 4 sa 3-pointers),  tinulungan ng dalawa ang Warriors na malusutan ang poor shooting nina Curry at Klay Thompson, na tumapos na may pinagsamang  4-for-15.

Comments are closed.