ROCKETS ‘DI MAKAAHON

Pistons vs rockets

NAGBUHOS si Frank Jackson ng season-high 23 points nang ipalasap ng bisitang Detroit Pistons sa Houston Rockets ang ika-19 sunod na pagkabigo nito, 113-100.

Nakalikom si Saddiq Bey ng 20 points at 6 rebounds habang nag-ambag si Jerami Grant ng 18 points para sa Pistons na nanalo sa back-to-back outings sa ikalawang pagkakataon pa lamang ngayong season.

Tinalo nila ang  Toronto Raptors noong Miyerkoles.

Umiskor si Josh Jackson ng  15 points, gumawa si Isaiah Stewart ng 13 points at 9 rebounds at kumalawit si Mason Plumlee ng  15 re-bounds para sa Detroit.

Nagposte si John Wall ng 21 points at 7  rebounds para sa Rockets, na ang skid ay pinakamasama sa franchise history.

Tumapos si Victor Oladipo na may  19 points at nagdagdag sina Christian Wood ng 18 points at 11 rebounds at Jae’Sean Tate ng 12 points at 4 steals.

Bumuslo ang  Rockets ng 28.1 percent (9 of 32) lamang mula sa  3-point range. Ang Detroit ay may 40-20 advantage sa bench points.

Sa iba pang laro, ginapi ng San Antonio Spurs ang Cleveland Cavaliers, 116-110; namayani ang  Orlando Magic konta Brooklyn Nets, 121-113;

dinispatsa ng Golden State Warriors ang Memphis Grizzlies, 116-103; pinalamig ng Indiana Pacers ang Mi-ami Heat, 137-110; pinaamo ng Denver Nuggets ang Chicago Bulls, 131-127;  hiniya ng Utah Jazz ang Toron-to Raptors, 115-112; dinispatsa ng Sacramento Kings ang Boston Celtics, 107-96; at pinaso ng Phoenix Suns ang Minnesota Timberwolves, 113-101.

One thought on “ROCKETS ‘DI MAKAAHON”

  1. 54925 83647A person essentially lend a hand to make significantly articles I may state. That could be the quite 1st time I frequented your internet site page and up to now? I amazed with the research you created to create this particular publish incredible. Wonderful activity! 73450

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *