NAGTALA sina Chris Paul, Clint Capela at James Harden ng double-doubles, at nag-init ang host Houston Rockets sa third-quarter upang maitakas ang 117-102 panalo laban sa Minnesota Timberwolves noong Linggo.
Nagbuhos si Paul ng 25 points at 10 assists at napantayan ang kanyang single-game high na anim na 3-pointers, habang naka-likom si Capela ng 20 points at 13 rebounds sa pakikipagbuno kay Timberwolves All-Star center Karl-Anthony Towns (22 points, 10 rebounds, six assists).
Umangat ang Houston sa 11-2 matapos ang All-Star break nang mag-init sa perimeter sa third quarter, kung saan kumonekta ito ng 10 of 18 treys.
KNICKS 124, LAKERS 123
Kumana si Emmanuel Mudiay ng 28 points, tampok ang pares ng late free throws, at binura ng NBA-worst New York Knicks ang 11-point deficit sa huling bahagi ng fourth quarter upang maungusan ang bumibisitang Los Angeles Lakers noong Linggo ng hapon.
Umiskor si Damyean Dotson ng 25 points at nag-ambag si Kevin Knox ng 19 para sa Knicks, na nakinabang sa season-high 41-point first quarter upang iposte ang kanilang unang panalo matapos ang 108-103 pagbasura sa Orlando noong Feb. 26.
Tumipa si DeAndre Jordan ng New York ng 15 points at 17 rebounds upang maitala ang kanyang ika-5 double-double sa nakalipas na anim na laro.
Tumirada si LeBron James ng 33 points para sa Lakers.
CLIPPERS 119, NETS 116
Naisalpak ni reserve Lou Williams ang isang 3-pointer sa buzzer nang maitakas ng host Los Angeles Clippers ang panalo kontra Brooklyn Nets noong Linggo ng gabi.
Tangan ng Clippers ang 10-point lead, may 62 segundo ang nalalabi, subalit bumanat si Jarrett Allen ng isang dunk upang maitabla ang talaan sa 116-116, may limang segundo sa orasan.
Makaraang tumawag ang Los Angeles ng huling timeout, in-inbound ni Patrick Beverley ang bola sa left sideline kay Danilo Gallinari.
Mabilis na kumonekta si Gallinari kay Williams, na tatlong beses nag-dribble, gumalaw mula kaliwa patungong kanan sa top of the key, at pinakawalan ang off-balance 28-footer laban kay Spencer Dinwiddie bago ang pagtunog ng buzzer.
Naitala ni Williams ang 11 sa kanyang 25 points sa fourth quarter na tinampukan ng wild runs ng dalawang koponan.
MAGIC 101, HAWJS 91
Naiposte ni Nikola Vucevic ang 17 sa kanyang 27 points sa first quarter at nanatili ang Orlando Magic sa kontensiyon para sa huling playoff spot sa Eastern Conference sa pamamagitan ng panalo laban sa bumibisitang Atlanta Hawks.
Naitala ni Vucevic ang unang 13 points ng laro para sa Orlando at ang 17 sa unang 19 ng koponan. Tumapos siya na 10-for-20 mula sa field, ang ika-32 pagkakataon ngayong season na pinangunahan niya ang koponan sa scoring, at humugot ng 21 rebounds para sa kanyang team-leading 52nd double-double.
Ang Orlando, nagtatangka sa kanilang unang playoff spot magmula noong 2010-11, ay nanalo ng dalawang sunod at sa lahat ng tatlo laban sa Atlanta.
Naghahabol ang Magic (33-38) sa Miami (33-36) ng isang laro para sa eighth spot sa playoffs. Tinalo ng Miami ang Charlotte, 93-75, noong Linggo. on Sunday. Maghaharap sila sa huling pagkakataon ngayong season sa Miami sa March 26.
Comments are closed.