NAGBUHOS si John Wall ng 36 points at 11 assists, nag-ambag si Bradley Beal ng 32 points, at binura ng Washington Wizards ang 17-point deficit upang silatin ang bumibisitang Houston Rockets, 135-131, sa overtime noong Lunes.
Nalusutan ng Wizards ang season-high 54 points mula kay Rockets guard James Harden. Nagtala rin si Harden, ang leading scorer ng NBA, ng 13 assists.
Nag-ambag naman si Eric Gordon ng season-high ng 36 points para sa Houston.
Aminado si Harden na kahit umiskor siya ng sangkaterbang puntos ay kailangan pa rin ang teamwork para maitakas nila ang panalo.
WARRIORS 116, MAGIC 110
Naiposte ni Kevin Durant ang walo sa kanyang 49 points sa huling 1:19 upang pangunahan ang Golden State sa panalo laban sa Orlando.
Naipasok ni Durant ang 16 sa kanyang 33 shots, apat sa kanyang 10 3-point attempts at lahat ng kanyang 13 free throws tungo sa fifth-highest scoring game ng kanyang career. Ang kabuuang 49 points ang kanyang pinakamataas magmula nang magbuhos siya ng 51 para sa Oklahoma City sa Toronto noong Marso 2014.
Ang Warriors ay naghabol ng hanggang 18 points bago nag-init sa third at fourth quarters, at kinuha ang 102-100 kalamangan sa 3-pointer ni Klay Thompson, may 5:26 ang nalalabi.
HORNETS 110, BUCKS 107
Umiskor sina Kemba Walker at Jeremy Lamb ng tig-21 points upang pagbidahan ang panalo ng host Charlotte laban sa Mil-waukee.
Naghabol ang Hornets sa 14 points sa kalagitnaan ng first quarter, subalit lumamang ng 13 sa halftime, at pinalobo ito sa 25 points sa second half.
Nakalapit ang Bucks sa isang puntos sa final minute at naghabol ng tatlong puntos sa huling 7.1 segundo, subalit nagmintis si Eric Bledsoe sa potential tying 3-pointer sa buzzer.
Pinutol ng Hornets ang two-game losing streak at naiganti ang 113-112 pagkatalo sa Bucks sa opening night noong Okt. 17 sa Charlotte.
SPURS 108,
BULLS 107
Tumipa si DeMar DeRozan ng 21 points at nagdagdag si LaMarcus Aldridge ng 20, kabilang ang lima sa key late-game stretch, nang gapiin ng bumibisitang San Antonio ang kulang sa taong Chicago.
Abante ang Bulls sa 101-98, may 5:58 ang nalalabi, bago kinuha ng Spurs ang trangko sa pamamagitan ng 10-0 run, kung saan kinamada ni Aldridge ang kalahati sa mga puntos.
Nakalapit ang Chicago sa 108-107 sa back-to-back 3-pointers ni
Ryan Arcidiacono, subalit sumablay si Zach LaVine (28 points) sa 3-pointer, may apat na segundo sa orasan.
Matapos ang foul at steal sa last-gasp scramble, may pagkakataon si Arcidiacono (22 points) na maipanalo ang laro sa kanyang tira sa buzzer, ngunit kinapos ito.
PACERS 121,
JAZZ 88
Tumirada si Doug McDermott ng season-high 21 points mula sa bench at nagdagdag si Myles Turner ng 16 points sa kanyang unang laro mula sa ankle injury upang bitbitin ang Indiana sa panalo laban sa Utah sa Salt Lake City.
Nag-ambag si Bojan Bogdanovic ng 15 points at gumawa si Tyreke Evans ng 14 para sa Indiana, na may pitong players na umiskor ng double figures.
Gumawa si Derrick Favors ng 13 points at nagdagdag si Rudy Gobert ng 12 upang pangunahan ang Utah. Nalasap ng Jazz, na hinayaan ang Indiana na bumuslo ng 58.3 percent mula sa field, ang ika-6 na kabiguan sa walong laro.
CELTICS 124,
PELICANS 107
Nagpasabog si Kyrie Irving ng 26 points at 10 assists nang pataubin ng Boston ang New Orleans sa duelo ng struggling teams.
Nagdagdag sina Al Horford at Jayson Tatum ng tig-20 points, gumawa si Marcus Morris ng 19 points at 11 rebounds at umis-kor si Terry Rozier ng 14 mula sa bench para sa Celtics, na nagwagi sa ikalawang pagkakataon sa tatlong laro.
Tumapos si Anthony Davis, nagbalik mula sa one-game absence dahil sa hip injury, na may 27 points at 16 rebounds upang pangunahan ang New Orleans. Nalasap ng Pelicans ang ika-4 na sunod na pagkatalo, subalit ikalawa pa lamang sa 10 home games.
Nagdagdag si Nikola Mirotic ng 25 points.
Comments are closed.