ROCKETS SUMIRIT

houston rockets

NAGPASABOG si Chris Paul ng season-high 32 points at nakahabol ang Houston Rockets mula sa 14-point deficit upang igupo ang Brooklyn Nets, 119-111, noong Biyernes ng gabi.

Tinulungan ni Paul ang Rockets na putulin ang four-game skid at nakaiwas sa kanilang unang 1-6 simula magmula noong 2010-11 nang bumuslo ng 13-for-27 mula sa field.  Kumana rin si Paul ng limang 3-pointers, kabilang ang dalawa sa buzzer sa second at third quarters. Naisalpak ni Carmelo Anthony ang anim na tres at umiskor ng 28 points sa loob ng 31 minuto mula sa bench.

Ang Rockets ay naglaro sa ikatlong sunod na pagkakataon na wala si James Harden (strained left hamstring). Si Harden ay nag-work out sa court bago ang opening tip, at sinabi ni coach Mike D’Antoni na posibleng maglaro siya sa Sabado sa Chicago.

Tumirada si Caris LeVert ng career-high 29 points para sa Nets, na natalo sa ika-4 na pagkakataon sa limang laro. Gumawa si Joe Harris ng 18 habang nag-ambag si Spencer Dinwiddie ng 12.

THUNDER 134, WIZARDS 111

Tumipa si Russell Westbrook ng 23 points at 12 assists, umiskor si Jerami Grant ng 22 at pinataob ng bumibisitang Oklahoma City ang Washington upang sirain ang debut ni Dwight Howard.

Naibuslo ni Westbrook ang 10 sa 16 field-goal attempts, ay nagtala si Grant ng 9 of 11 para sa Thunder, na kumawala sa second quarter. Nagposte si Paul George ng 17 points, at nagdagdag si Dennis Schroder ng 16 mula sa bench nang malasap ng Oklahoma City ang ika-4 na sunod na panalo.

Nanguna si Bradley Beal para sa Washington na may game-high 27 points, habang umiskor si Howard, lumiban sa training camp, preseason at sa unang pitong laro ng koponan dahil sa strained piriformis muscle sa kanyang  lower back, ng 20 points sa 7-of-8 shooting sa loob ng 23 minuto kung saan nalasap ng Wizards ang ika-5 sunod na kabiguan.

WARRIORS 116, TIMBERWOLVES 99

Naisalba ni Klay Thompson ang 10 sa kanyang 22 points para sa ­unang anim na minuto ng fourth quarter upang tulungan ang Golden State Warriors na malusutan ang deficit at dis-patsahin ang Minnesota Timberwolves sa Oakland, California.

Nanguna si Kevin Durant na may 33 points at nagbuhos si Stephen Curry ng 28 points, 9 rebounds at 7 assists para sa  Warriors,  na nanalo ng pitong sunod subalit nabigong umabot sa 120 points sa unang pagkakataon sa streak.

Tumipa si Andrew Wiggins ng 22 points at kumamada si Jimmy Butler ng 21 para sa Timberwolves.

Sa iba pang laro ay nasingitan ng Pacers ang Bulls, 107-105;  ibinasura ng Knicks ang Mavericks, 118-106; nilampaso ng Grizzlies ang Jazz, 110-100; at pinadapa ng Clippers ang Ma­gic, 120- 95.

Comments are closed.