PINADALHAN ng subpoena ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon ang pitong miyembro ng pamilya Rodriguez na inakusahang nagpapasok ng milyong halaga ng foreign currency sa bansa.
Kabilang sa pinapa-subpoena ng komite sina Mary Rose, Janet, John Joshua, Michale Julian, Simon John, Natasha at Elizabeth.
Sinabi ni Gordon, ang mga Rodriguez ay kabilang sa 60 indibiduwal na kinabibilangan ng Chinese national at Filipino citizens na nagdala ng $633 milyon cash mula sa bansang Singapore, HongKong at Bangkok sa nakalipas na pitong buwan.
Bukod dito, tanging si Elizabeth lamang umano ang nakapagdala ng $42.5 milyon cash mula Setyembre 2019 hanggang Pebrero 2020.
Naniniwala naman ang senador na kaya malakas ang loob ng mga Rodriguez na magdala ng malaking halaga ng foreign currency ay dahil sa may nagpoprotekta sa kanila.
Muli namang itinakda ng komite ng pagdinig sa Marso 12, Huwebes. VICKY CERVALES
Comments are closed.