INAASAHAN ang panibagong rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-4 na linggo ng Luzon-wide enhanced community quar-antine.
Gayunman ay hindi ito kalakihan kumpara noong mga nakaraang linggo.
Ayon sa source sa industriya, maglalaro sa P0.70 hanggang P0.80 kada litro ang itatapyas sa presyo ng diesel at kero-sene, habang nasa P0.40 hang-gang P0.50 naman sa gasolina.
Sa buong Marso ay mahigit P12 na ang ibinaba ng presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene, habang ang diesel ay halos P9.