MULING magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng rolbak sa presyo ng kanilang mga produkto simula ngayong araw.
Sa anunsiyo ng Caltex at Seaoil, tatapyasan nila ng P2 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P0.50 sa kada litro ng diesel, at P1.95 sa kada litro ng kerosene.
Sa Martes, Marso 31, ay magpapatupad naman ang Cleanfuel, Petro Gazz, at Shell ng P2 bawas sa kada litro ng gasolina at P0.50 sa kada litro ng diesel.
Nasa P1.95 din ang tapyas ng Shell sa presyo ng kada litro ng kanilang kerosene.
Noong nakaraang Martes, Marso 24, ay nagpatupad din ng malakihang rolbak ang mga kompanya ng langis sa kanilang mga produkto.
Comments are closed.