SA IKALAWANG sunod na linggo ay may rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa pagtaya ng mga taga-industriya, maglalaro sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro ang magiging bawas sa presyo ng diesel.
Nasa P0.90 hanggang P1 naman ang inaasahang itatapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Samantala, P0.70 hanggang P0.80 kada litro ang magiging bawas sa presyo ng kerosene.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanil-ang ipinatutupad kinabukasan.
Comments are closed.