MARAMI pang kompanya ng langis ang nag-anunsiyo ng rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Inihayag kahapon ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines na tatapyasan nila ang presyo ng kada litro ng gaso-lina, diesel, at kerosene ng P0.90, P0.80, at P0.80, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Ang price adjustment ng Shell ay epektibo sa Martes, Mayo 7, habang ang Seaoil ay simula na ngayong araw, Mayo 5.
Nauna nang inanunsiyo ng Petro Gazz na babawasan nila ang presyo ng kanilang gasolina at diesel ng P1.00 at P0.80 kada litro, epektibo ngayong araw.
Nauna nang nagpatupad ang Phoenix Petroleum ng kaparehong price rollbacks Sabado ng hapon.
Comments are closed.