MAGPAPATUPAD ang Petron Corporation ng bawas-presyo sa kanilang cooking at auto liquefied petroleum gas simula ngayong araw.
Sa isang abiso kahapon, sinabi ng Petron na ang presyo ng cooking LPG ay tatapysan ng P3.40 kada kilo, at ang AutoLPG ng P1.90 kada litro.
Ang LPG price cuts ay magkakabisa alas-12:01 ng umaga ngayong araw.
Sa pahayag ng Petron, ang rolbak ay nagpapakita ng international contract price ng LPG para sa Hulyo.
Samantala, inaasahang tataas naman ang presyo ng mga produktong petrolyo simula sa Martes, Hulyo 2, dahil sa price movements sa pandaigdigang merkado.
Kung sakali, ito na ang ika-3 sunod na linggo na magkakaroon ng oil price hike.
Batay sa report, nasa P1.20 hanggang P1.30 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng diesel, habang nasa P0.90 hanggang P1 naman ang itataas ng presyo ng gasolina at kerosene.
Mula Hunyo 17, P0.65 na ang kabuuang dagdag sa presyo ng gasolina, nasa P0.75 naman sa presyo ng diesel, at P0.70 sa kerosene.
Comments are closed.