INAASAHAN na ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay ito sa resulta ng trading sa world market mula Lunes hanggang Miyerkoles.
Sa loob lamang ng tatlong araw na trading ay nasa P1.34 na ang natapyas sa halaga ng imported na gasolina at mahigit sa P0.40 sa diesel.
Maaari pang magbago ang mga presyo sa trading hanggang ngayong araw ng Biyernes.
Kung sakali ay ito na ang ikatlong linggo na matatapyasan ang presyo ng mga produktong petrolyo. DWIZ882
Comments are closed.