ROLBAK SA PRESYO NG PETROLYO

PETROLYO-22

NAKATAKDANG  magkaroon ng rolbak sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Ito ang inianunsiyo  kahapon ng ilang kompanya ng langis.

Sabado ng umaga  nang magpatupad ang Phoenix Petroleum ng P1.70 bawas sa presyo ng kada litro ng diesel at P0.90 bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Tatapyasan naman ng Shell simula sa araw ng Martes, Enero 21, ng P0.85 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P1.70 sa kada litro ng diesel, at P1.65 sa kada litro ng kerosene.

Comments are closed.