ROLBAK SA PRESYO NG PETROLYO INAASAHAN BAGO ANG 2021

PETROLYO-20

MAKARAAN ang ilang linggong sunod-sunod na pagtaas, nagbabadya ang rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes, ilang araw bago ang 2021.

Ayon sa mga taga-industriya, maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang magiging bawas sa presyo ng kerosene

Nasa P0.10 hanggang P0.20 ang inaasahang rolbak sa presyo ng diesel.

Posible namang hindi magkaroon ng paggalaw sa presyo ng gasolina.

Paliwanag ng mga taga-industriya, bumaba ang presyo ng imported na petrolyo dahil sa lockdown sa ilang bahagi ng Europe dulot ng pagkalat ng bagong strain ng COVID-19.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na ipinatutupad kinabukasan.

Comments are closed.