MAKARAAN ang mga serye ng pagtaas, makaaasa ang mga motorista ng rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa papasok na linggo.
Sa fuel price forecast nito para sa August 4-10 trading week, sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na ang presyo ng kada litro ng diesel ay dapat bumaba ng P0.10 per liter, habang ang gasolina ay dapat tapyasan ng P0.20 hanggang P0.30 kada litro.
Sa pinakahuling datos mula sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng kada litro ng gasolina ay nasa P41.25 hanggang P54.40, habang ang diesel ay nasa pagitan ng P31.10 at P39.35 per liter.
Year-to-date adjustments, naitala ang net decrease sa P4.77 kada litro para sa gasoline at P8.29 kada litro para sa diesel.
Comments are closed.