MAY inaasahang rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa source, ang presyo ng diesel ay maaaring bumaba ng mula P0.25 hanggang P0.30 kada litro, habang ang kerosene ay mula P0.15 hanggang P0.25 kada litro.
Wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng gasolina na may bawas na P0.25 kada litro noong nakaraang linggo.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na epektibo sa susunod na araw.
Sa datos mula sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng diesel ay nasa pagitan ng P27.78 at P36.25 kada litro, habang ang gasolina ay mula P39.12 hanggang P53.25 kada litro.
Comments are closed.