MAY inaasahang rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa kanilang fuel forecast para sa September 8-14 trading week, sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na ang presyo ng diesel ay dapat bumaba ng P0.40 hanggang P0.50 kada litro.
Ang presyo ng gasolina ay inaasahan namang may bawas na P0.30 hanggang P0.40 kada litro.
Karaniwang nagpapatupad ng adjustment ang mga kompanya ng langis tuwing Martes.
Sa datos mula sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng kada litro ng gasolina ay nasa P40.85 hanggang P55.55 habang ang presyo ng diesel ay naglalaro sa P30 hanggang P39 kada litro.
Comments are closed.