ROLE NG MEDIA MAHALAGA SA NATIONAL SECURITY

BINIGYANG din ng Presidential Communications Office (PCO) ang sensitibong role ng media pagdating sa National Security.

Sa isinagawang National Security Cluster workshop ay pinagtuunan ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng media sa paghahatid ng wasto, balanse at napapanahong balita .

Ilang piling mamamahayag at mga kasapi ng academe ang dumalo sa inilunsad na National Security Cluster workshop ng PCO sa Philippine Merchant Maritime Academy sa San Narciso Zambales.

Ayon kay PCO Assistant Sec. Michel André Del Rosario na mahalaga ang factual, balance at current news reporting upang maiwasan ang pagkalat ng ligaw na impormasyon o fake news.

“Mahalagang mahalaga ang accuracy sa pagrereport ng balita lalo na kung nakasalalay dito ang National Security,” mariing sambit ni Del Rosario.

Sa nasabing summit mahigpit ang tagubilin ni Del Rosario sa media na iwasan ang single source reporting at huwag gagamiting source sa balita ang mga taong walang credentials upang hindi mauwi sa misinformation.

Payo pa nito sa mga media practitioner na ugaliing mag- interview ng government officials na eksperto sa isang subject matter at higit sa lahat ay maging sensitibo din sa paglalabas ng impormasyon sa publiko.

Ibinigay na halimbawa rito ang pag-uulat hinggil sa mga sensitibong impormasyon na may kaugnayan sa tactical o military operations at national security issues.

Samantala, bilang suporta ay tiniyak naman ng PCO na patuloy ang pagsasagawa nila media orientations & seminars upang mahasa at mas mapalaganap ang mga tamang impormasyon hinggil sa ginagawang hakbang ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kapayapaan, seguridad at soberenya ng bansa. VERLIN RUIZ