MAY rollback na naman sa presyo ng mga produktong petrolyo sa ikatlong sunod na linggo.
“Big time” ang bawas sa gasolina at nauna na naman sa rollback ang kompanyang Phoenix Petroleum na alas-6 ng umaga ng Sabado ay nagtapyas-presyo na.
Narito ang rollback ng Phoenix Petroleum:
Gasolina → P1.65 kada litro; Diesel → P0.60 kada litro.
Nag-anunsiyo rin agad ng kaparehong bawas-presyo ang Petro Gazz pero sa Lunes ng madaling araw pa nila ito ipatutupad.
Ang rollback naman ng Petro Gazz;
Gasolina → P1.65 kada litro; Diesel → P0.60 kada litro.
Samantala, wala pang anunsiyo ang ibang malalaking kompanya ng langis.
Dahil sa tatlong magkakasunod na rollback, tinatayang aabot sa mahigit P4 kada litro na ang nabawas sa presyo ng gasolina.
Sa Diesel naman, nasa lagpas P2 na ang total rollback sa loob ng tatlong linggo.
Pero bago nito, siyam na magkakasunod na oil price hike ang tumama sa mga motorista na umabot naman nang mahigit P5 kada litro sa diesel at gasolina.
Comments are closed.