ROLL OUT NG NATIONAL ID PABILISIN

NAIS  ng senador na pabilisin ang roll out ng national ID system.

Ito ayon kay Senador Ping Lacson upang matulungan ang mga Pinoy na makabangon sa mga problema dulot ng pandemya.

Ayon kay Lacson, isa sa may-akda at sponsor ng batas, matutugunan ng National ID ang mga isyu sa ayuda at iba pang serbisyo para sa publiko.

Dagdag pa ng senador, maiiwasan ang korupsiyon kapag mabilis na naipatupad ang National ID system, pati na rin ang digitalization at interoperability ng mga sistema sa mga ahensiya ng gobyerno.

“Ito dapat i-accelerate ang rollout ng implementation. It will solve a lot of issues: ayuda, social services, laban sa graft, red tape. Ang daming ma-solve kung fully implemented ang National ID system,” pagbabahagi ng senador.

Ani Lacson, bagama’t marami ang duda sa National ID dati, mas nakita na karamihan ngayon ang kahalagahan nito lalo na tuwing pandemya.

Dagdag pa ng senador, makakatulong ang National ID sa digitalization ng mga transaksiyon sa gobyerno katulad ng ginawa sa South Korea. Kahit sa China, online na ang customs system nila at wala nang puwang ito para sa human intervention.

“Imagine how much we can save from public funds kung may interoperability ang ating government processes, transactions between and among government agencies, private sector and government. Less human intervention, less corruption if not ma-stop ang corruption,” sabi ni Lacson. LIZA SORIANO

7 thoughts on “ROLL OUT NG NATIONAL ID PABILISIN”

Comments are closed.