ISA na namang panibagong rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ipatutupad sa susunod na linggo.
Ito ang nabatid kay Energy Secretary Alfonso Cusi na nagsabing ang ika-limang linggong sunod-sunod na pag-rollback sa presyo ng produkto ay bunsod ng patuloy na bumababang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.
Ayon kay Cusi, nakatulong din sa pagbaba ng presyo ang pagtaas ng produksiyon ng mga oil producing countries gaya ng Saudi Arabia, Libya at United Arab Emirates na umaabot sa 390,000 bariles kada araw gayundin ang kaunting pagluwag ng sanction ng Estados Unidos sa export ng fuel ng Iran na magbibigay daan sa 8 major importers na bumili rito.
Sinabi ni Cusi na ang dating 80 dolyar kada bariles ay naging 70 dolyar kada bariles na lamang sa kasalukuyan.
“Despite these downward trends in prices, the Philippine government is expecting further volatility as markets continue to adjust to these developments. In recognition of this, the Philippine government is putting our people first and taking measures to mitigate short to medium term volatility,” sabi pa ni Cusi.
Samantala, sinabi naman ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na tuloy pa rin ang rekomendasyon ng economic team na suspendihin ang ikalawang bugso ng pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa ilalim ng Tax reform Acceleration Inclusion (TRAIN Law 2) sa kabila ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.