ROLLBACK PA SA PRESYO NG PETROLYO

petrolyo

HINDI man tuwirang dulot ng national economic policies ng administrasyong Duterte, buong pagmamalaking inanunsiyo ng pamahalaan ang anila’y napipintong bagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, asahan na aniya ang bagong pagro-rollback ng presyo ng langis sa susunod na linggo — ang ika-pitong bigtime price cut mula noong nakaraang buwan.

Aniya, maglalaro sa mahigit piso ang bawas presyo sa diesel at kerosene habang kulang-kulang piso ang tapyas sa gasolina.

Batay sa mga naunang pahayag ng mga ekonomista sa bansa, ang sunod-sunod na tapyas sa presyo ng langis sa bansa ay bunsod ng mababang demand sa mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.               FERNAN  J. ANGELES

Comments are closed.