ROLLBACK SA PETROLYO NGAYONG LINGGO

Petrolyo

MAGANDANG balita para sa mga motorista!

May aasahan na namang bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga motorista ngayong linggong ito.

Ayon sa report  mula sa industriya ng langis, maglalaro sa 50 hanggang 60 sentimos ang posibleng ibaba sa pres­yo ng kada litro ng gasoline.

Nasa 10 hanggang 20 sentimos naman ang posibleng ibaba sa presyo ng kada litro ng diesel habang wala nang inaasahang pag-galaw sa presyo ng kerosene.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong nagpatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis ngayong buwan matapos itong buksan ng sunod-sunod at malakihang umento sa nakalipas na mga linggo.

Comments are closed.