ROLLBACK SA PETROLYO NGAYONG MARTES

PETROLYO-20

MAY MAGANDANG balitang matatanggap ang mga motorista sa susunod na linggo.

Matapos ang limang linggong magkakasunod na oil price hike, may nakaambang rollback naman sa presyo ng petrolyo pagsapit ng Martes.

Tinatayang nasa P0.30-P0.40 kada litro ang presyo ng gasolina,  diesel nasa P0.20-P0.30 kada litro, kerosene, P0.30-P0.40 ka-da litro.

Maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang inaasahang bawas sa gasolina at kerosene habang nasa P0.20 hanggang P0.30 kada litro naman ang rollback sa diesel.

Pero bago nito, umabot nang mahigit P3 ang naging pagmahal sa gasolina at P2.40 naman sa diesel at kerosene dahil sa magkakasunod na taas-presyo.