ROLLBACK SA PRESYO NG DIESEL AT GASOLINA

MATAPOS ang siyam na linggong sunod-sunod na oil price hike ay magpapatupad naman ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto ang mga kompanya ng langis.

Nauna nang nag-anunsiyo ang Phoenix Petroleum Philippines na aabot sa P0.80 kada litro ang kanilang kaltas sa gasolina, P0.60 sa bawat litro ng diesel at P0.20 para sa kada litro ng gaas o kerosene.

Bago naman magtanghali kahapon ay inanunsiyo na rin ng Seaoil at ng Petron Gazz ang  kaparehong price rollback.

Bago matapos ang araw ay inaasahang susunod na rin sa magpapatupad ng tapyas sa kanilang presyo ang iba pang oil compa-nies.

Magiging epektibo ang nasabing bawas-presyo alas-12:01 ng mada­ling araw ngayong araw ng Linggo.

Nauna nang inihayag ng mga kompanya ng langis na bahagyang bumaba sa world market ang halaga ng petrolyo.

Wala namang inaasahang paggalaw sa susunod na linggo sa halaga ng cooking gas at auto LPG.

Comments are closed.