MATAPOS ang apat na sunod na linggo ng pagtaas sa presyo ng petrolyo, inaasahang magkakaroon ng rollback sa susunod na linggo ayon sa oil industry players kamakailan.
Sa kanilang fuel forecast para sa Pebrero 5 hanggang 10, sinabi ng Unioil na ang presyo sa kada litro ng diesel ay dapat bumaba ng P0.30 hanggang P0.40 at ang gasolina ng P0.60 hanggang P0.70.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi naman ng Jetti na ang presyo ng diesel ay puwedeng tapyasan ng P0.35 hanggang P0.40 kada litro at ang gasolina ay dapat mag-rollback ng P0.65 hanggang P0.70 bawat litro.
Karaniwang nagpapatupad ang local oil companies ng adjustment sa presyo ng petrolyo tuwing Martes ng bawat linggo.
Nauna nang nag-rollback ang Phoenix Petroleum Philippines kahapon ika-6 ng umaga.
Nagbawas ang kompanya ng gasolina ng P0.65 kada litro. Nag-rollback sila ng presyo ng diesel ng P0.35 kada litro.
Comments are closed.