ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO SA SUSUNOD NA LINGGO

PETROLYO-19

MAGKAKAROON ng bawas presyo ang mga produktong petrolyo simula Martes, Nob­yembre 26.

Sa ika-9 na sunod na linggo, may rollback na naman sa presyo ng diesel na tinatayang P0.10 hanggang P0.20 kada litro.

May bawas din ang gasolina na P0.30 hanggang P0.40 kada litro, habang maglalaro naman sa P0.10 hanggang P0.20 kada litro ang bawas sa presyo ng kerosene.

Sa nakalipas na 8 linggo, umaabot na sa P2.60 kada litro ang kabuuang rollback sa diesel simula Oktubre 1.

Sa gasolina, halos P4 na rin ang nai-rollback sa parehong panahon.

Comments are closed.