Nakiusap si Aljur Abrenica sa asawang si Kylie Padilla na sabihin ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil siya ang naiipit sa kontrobersya. Hindi na raw niya matiis ang “sugar-coated” na mga pahayag ni Kylie tungkol sa kanya.
Aniya, si Kylie ang unang nangaliwa kaya nasira ang kanilang pamilya.
Hindi raw siya nagsalita noon kahit sumama ang kanyang image para sa kanilang mga anak, dahil kay Kylie lang naman siya nag-give up at hindi sa pamilya. Kahit umano nang magsalita si Robin Padilla ng laban sa kanya ay hindi rin siya nagsalita. Pero ngayon umano ay nadadamay na ang iba.
Nag-sorry naman si Aljur kay Kylie dahil binali niya ang usapan nilang hindi siya magsasalita sa publiko ukol sa kanilang hiwalayan, ngunit napapanahon na umano.
Matatandaang kinumpirma ni Robin na may “third party” sa hiwalayang Aljur at Kylie. Inakala ng lahat na si Aljur ang may karelasyon, pero may narinig kaming chika na si Kylie pala ang may karelasyon, at ang karelasyon niya raw ay si JM de Guzman.
Itinanggi naman ni Kylie ang alegasyong siya ang nagluko at hindi si Aljur, at lalo raw hindi si JM ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Basta sa ngayon daw ay nasa proseso sila ng “moving on” ni Aljur. Sinusubukan din daw nilang maging maayos ang kanilang “co-parenting status” para sa kapakanan ng dalawa nilang anak. Wala siyang kumento sa sinabi nina Cristy Fermin at ng ama niyang si Robin.
Magkaiba ang pahayag ng dalawa. Ayon kay Cristy, nahuli ni Aljur si Kylie na may kakomunikasyon – na hinihinala ng lahat na si JM de Guzman nga. Ayon naman kay Robin, si Aljur ang nag-cheat kay Kylie.
Wala namang kumento ang ina ni Aljur sa hiwalayan ng dalawa, gayundin sa mga babaing nali-link ngayon sa kanyang anak. Ilan sa mga babaeng na-link kay Aljur ay sina Erin Ocampo, Maika Rivera, at Cindy Miranda.
Itinanggi ni Cindy na siya ay third party. Tumanggi rin si Maika, at dedma naman si Erin. Si AJ Raval lamang ang umaming nililigawan siya ni Aljur at mukhang may pag-asa ito sa kanya. Nagpahayag pa itong suportado niya si Aljur at naniniwala siya dito, bagay na umani ng batikos sa mga netizens dahil hindi raw dapat nakikisawsaw si AJ sa isyu ng mag-asawa.
Giit naman ni Aljur, ayaw sana niyang magsalita tungkol sa hiwalayan nila ni Kylie ngunit masama na ang tingin sa kanya ng kanyang mga anak na sina Alas at Axl. Gusto raw niyang malaman ng mga batang hindi sila iniwan ng kanilang ama para sa ibang babae.
Noong una, okay lang daw kay Aljur na siya ang sisihin, pero tantanan na raw siya dahil siya ang biktima. – KAYE NEBRE MARTIN
60387 258712Thanks for the blog loaded with so a lot of info. Stopping by your weblog helped me to get what I was searching for. 522431
893159 861703Thank you for some other magnificent post. 434708
135911 368740That is the very first time I frequented your website page and to thispoint? I surprised with the analysis you made to create this particular submit amazing. 800577