LAGYAN ng subsidiya ang mga pangunahing bilihin para maampat ang epekto ng sumisipang inflation rate.
Ito ang iginiit ng grupo ng mga manggagawa sa Saturday news forum sa Quezon City.
Ayon kay Partido ng mga Manggagawa Chairman Renato Magtubo, na isa sa kongkretong hakbang na dapat nang gawin ng administrasyon ay bilhin ang mga pangunahing produkto tulad ng asukal at kape saka pagulungin sa mga rolling store na ilalagay sa mga pabrika at depressed communities.
Maaari ring i-subsidize ang pamimili ng palay upang maampat ang sobrang taas ng presyo ng bigas.
Para kay Magtubo, mas masahol pa sa kalamidad ang nararanasan ng mga mahihirap sa sobrang taas ng presyo ng mga bilihin.
Comments are closed.