DALAWANG beses na nakunan ng larawan na magkasama sa isang kainan sina Kapamilya Arjo Atayde at Kapuso Maine Mendoza. At dahilan sa pareho silang loveless sa ngayon ay nabigyan ng kulay ang pagdi-date ng dalawa.
Ang sister ni Arjo na si Ria Atayde ay dedma lang sa mga pamba-bash sa kanyang kapatid at pinagtanggol pa niya ito sa pagsasabing wala naman daw masamang magsama sa isang lakaran ang magkaibigan lalo pa nga’t pareho naman single. Tila ang tinutukoy ni Ria ay ang kanyang kapatid at ang isyu sa kanila ni Maine.
May tsika kasi na break na raw si Arjo sa kanyang non-showbiz girlfriend, samantalang si Maine naman ay very much single and available. Iba naman ang pananaw ng ina nina Ria at Arjo sa isyu na ito, say ng mommy ng dalawa na sana ay tigilan na ang isyu dahilan sa naapektuhan na rin daw ang kanilang pamilya.
At para naman sa kampo ni Maine, walang malisya ang pagiging magkaibigan nila ni Arjo dahilan sa ganun naman talaga si Maine sa kanyang mga katrabaho, malambing at mabait. Maging si Arjo man ay nababaitan kay Maine at madali raw itong kagiliwan.
MARIAN RIVERA SUPER TOUCHED KAY DINGDONG DANTES
HALATA na ang tiyan ni Marian Rivera sa kanyang ikalawang pagbubuntis. Very blooming ang kanyang dating at marami ang nagsasabing malamang ay babae pa rin ang second baby nila ni Dingdong. Pero para kay Marian, babae man o lalaki ay tanggap na tanggap niya ito at malalaman pa lang daw nila ni Dingdong ang gender ng kanilang magiging second baby sa susunod na buwan. Samantala, touched na touched si Marian sa ginawang pagback-out ni Dingdong sa pagtakbo sa darating na eleksyon. Mas pinili pa kasi ng actor na pagsilbihan ang kanyang anak at misis na nagdadalantao kaysa mangampanya. Mas nais ipokus ni Dingdong ang lahat ng kanyang oras sa kanyang mag-ina bago pa man ang politika.
JASON ABALOS BAKLANG-BAKLA
HINDI mapigilang humanga ng mga manonood sa husay umarte ni Jason Abalos sa GMA Afternoon Prime series na “Asawa Ko, Karibal Ko”. Parang hindi na umaarte si Jason sa papel niyang closet queen at sa mga eksenang nakasuot na siya ng babae at transgender na ang dating.
Natural na natural ang acting ni Jason. Maging ang kanyang lihim na pagmamahal sa lalaking hinangaan sa katauhan ni Matthias Rhoad ay feel na feel ng mga followers ng naturang teleserye. Nararamdaman kasi talaga ang koneksiyon ng kanilang mga karakter ang pagmamahalan ng isang same-sex couple. Ang tanong ng marami, hanggang kailan kaya maitatago ni Nathan ang kanyang tunay na pagkatao sa kanyang misis na ginagampanan naman ni Kris Bernal?
Comments are closed.