IPINAGPALIT ng San Miguel Beer sina Terrence Romeo at power forward Vic Manuel, dalawang araw bago ang pagsisimula ng Season 49 ng PBA Commissioner’s Cup.
Dinala ng Beermen sina Romeo at Manuel sa Terrafirma kapalit nina guard Juami Tiongson at 6-5 Andreas Cahilig.
Si Romeo, pinili fifth overall ng GlobalPort sa 2013 Rookie Draft, ay nagwagi ng tatlong titulo sa Beermen.
Kinuha siya ng SMB mula sa TNT noong 2018 kapalit nina David Semerad, Brian Heruela at ng 2021 first round pick ng SMB.
Samantala, si Tiongson ay pinili 12th overall ng Blackwater sa 2014 PBA Draft.
Pinakawalan ng koponan si Tiongson matapos ang dalawang seasons. Ang streak shooting guard ay kinuha ng NLEX sa free agent market sa 2017 Commissioner’s Cup.
Kinuha nf NorthPort si Tiongson mula sa NLEX kapalit ni Michael Miranda noong Aug. 20, 2019 pagkatapos ay dinala siya sa Terrafirma kapalit ni Jerramy King.
CLYDE MARIANO