PALAYAN CITY – Binigo at pinahiya ni Jan Paul Morales ang mga siklista ng Nueva Ecija, kasama ang anak ni tour veteran Placido Valdez na si Gilbert Valdez, makaraang kunin ang seventh stage para sa kanyang ikalawang sunod na panalo, habang hindi natinag ang kanyang teammate na si George Oconer sa overall lead sa 2020 Ronda Pilipinas kahapon.
“Satisfied. Wala na akong mahihingi pa, nanalo ako. Mahigit 10 stages ang napanalunan ko, ngayon lang ako nanalo ng back-to-back mula nang sumali ako sa karera noong 2012,” masayang pahayag ni Morales na hindi man lamang nakitaan ng fatigue at physical exhaustion sa kabila na tumakbo ng 116 kilometers sa gitna ng matinding init ng araw.
Tumatakbo sa bandila ng Standard Insurance Nay, naorasan si Morales ng two hours, 35 minutes at 20 seconds at naungusan si Dominic Perez ng Bicycology Shop Army sa huling 50 meters.
Bukod sa panalo, napanatili ng 34-anyos na taga-Morong, Rizal ang hawak sa green jersey sa points classification.
Nasa second group kasama ang big guns, hinabol ni Morales at inabutan ang four-man breakaway na kinabibilangan nina second stage winner Ryan Tugawin, Arjay Peralta, Marcelo Felipe at Cris Joven sa huling apat na kilometro.
Biglang naubusan ng lakas sina Tugawin, Felipe at Joven at naiwan si Peralta na nakipagsabayan sa main pack tungo sa finish line.
Sa panalo ni Morales ay walang nabago sa Top 10 at nanatiling hawak ni Oconer ang overall lead na may kabuuang oras na 23 hours, four minutes at 31 seconds at napanatili ang one minute at 15 seconds na kalamangan kay teammate Asian Gamer Ronald Oranza.
Sa pangunguna ni Oconer, kinuha ng Navy Standard Insurance ang top six positions at abot-kamay na ang korona sa team event na may kabuuang oras na 92 hours, 18 minutes at 9 seconds, 23 minutes at 40 seconds ang abante sa Go 4 Gold at 25 minutes at 19 seconds ang lamang sa Bicycology Shop Army.
Ayon kay Oconer, anak ni 1992 Barcelona Olympian at national coach Norberto Oconer, gagawin niya ang lahat para mapanatili ang overall lead at angkinin ang coveted title na binakante ni Francisco Mancebo ng Spain.
Ang Standard Insurance ay nakalikom ng kabuuang oras na 92 hours, 18minutes at 9 seconds, 23 minutes at 40 seconds ang abante sa second placer Go 4 Gold.
Ipagpapatuloy ng nalalabing 75 riders ang kanilang mainit na labanan sa kalsada sa krusyal na eight stage na mag-uumpisa sa Palayan at dadaan sa mga bayan ng Nueva Ecija, Pangasinan at La Union at magtatapos sa Burnham Park sa Baguio.
“The eighth stage is one of two most crucial stages and will determine the winner. These two stages will test the strength and stamina of the riders go,” sabi ni Ronda Pilipinas chief executive officer Mo Chulani. CLYDE MARIANO
Comments are closed.