Ronson Culibrina, Pinoy contemporary visual artist

Leanne Sphere

Kilalanin natin si Ronson Culibrina, isang visual artist na gumagawa ng paintings, sculptures at installations.

Nakatapos siya ng Advertising sa Technological University of the Philippines. Noong isang taon, nakumpleto niya ang kanyang residency grant sa Liverpool Hope University-Creative Campus sa United Kingdom.

Sa mga nauna niyang trabaho, umiikot ang kanyang sining sa paglalaro sa kasaysayan ng Pilipinas, politika, diaspora ang cultural diffusion, mga hugis na mula sa canons of art history, consumer and popular culture at marami pang iba.

Nitong huli, ang mga iginuguhit niya ay may kinalaman sa ecological transformations at sociocultural impact nito, na ang kanyang inspirasyon ay ang kanyang hometown at formative environment. Nakikipag-collaborate siya sa iba pang pausbong pa lamang na artists sa Pilipinas kahit noong nag-aaral pa siya sa England, lalo na sa The Working Animals Art Projects.

Kinikilala si Ronson bilang contemporary Filipino artist hindi lamang ng mga kapwa Filipino kundi maging international artists.

Noong 2018, nanalo si Ronson ng Ateneo Art Awards 2018 Fernando Zóbel Prize for Visual Art at recipient din ng Liverpool Hope University Residency. Noong 2019, nakuha niya ang Grand Prize sa Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) Painting Competition at binigyan din ng Special Citation ng Metrobank Art and Design Excellence (MADE) noong 2014. Dahil sa kanyang mga achievemeny, nakasama siya sa listahan ng 2016 Forbes Asia’s 30 Under 30. rclnb