LAGUNA- TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na walang whitewash na magaganap sa imbestigasyon sa umano’y panghahalay sa isang teenager ng bagitong pulis.
Sa ulat, dumulog sa Sta. Maria Municipal Police Station ang 18-anyos na dalaga at pamilya nito para isuplong ang nanghalay sa kanya noong Disyembre 26 ng isang rookie cop na ngayon ay nasa kustodiya na ng nasabing himpilan.
Sa sumbong ng biktima, dumating ang pulis na may ranggong patrolma sa kanilang tahanan at nakipag-inuman.
Nang malasing ang biktima ay natulog ito subalit nagising nang tanggalin ng suspek na pulis ang kanyang pang-ibabang kasuutan at ginawan siya umano ng kahalayan.
Tinangka umano ng biktima na itulak ang pulis kaya agad na tumakas ito subalit naiwan ang kanyang baril gayundin ang magazine.
“This is a very unfortunate report. We will make sure that this will be a fair and speedy investigation,” ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos.
Sumuko naman ang pulis sa kanyang kabaro noong Linggo.