PALAWAN – ISINAILALIM sa anti-malaria rapid diagnostic test (RDT) training-seminar ang mga bagong barangay health workers (BHWs) sa bayan ng Rizal na bahagi ng Kilusan Ligtas Malaria na naglalayong matukoy ang mosquito-borne disease.
Ayon kay Aileen Balderian, program manager ng KLMA na nasa ilalim ng Palawan government’s Provincial Health Office (PHO), na aabot sa 16 bagong recruit na barangay health officials ang naturuan sa ilalim ng RDT noong Agosto 8 hanggang 9.
“This is part of the program’s aim to train new BHWs who volunteered to serve the public on health in far-flung villages. The training has two series that they need to pass to become accredited malaria diagnostic test personnel,” ayon sa health officials.
Nakatuon ang Rizal BHW training sa pagpapalakas ng KLM para labanan ang malaria at mapigilan ang mga kaso sa probinsiya at iba pang bayan sa nasabing lalawigan.
“Based on KLM records, the number of residents who have malaria in Rizal has reached 248,” ayon kay Balderian.
Sa datos, mayroong 3,808 cases ng malaria na naiulat noong 2017 habang ang malaria incidence sa Palawan ay bumaba sa 1,800 cases.
Samantala, 11 barangay chairmen ang dumalo sa consultative meeting na ipinatawag ng provincial government noong August 7 hinggil sa malaria.
“Part of what was presented was what is happening now in the status of malaria in Rizal, and what strategies can be followed for numbers to be prevented from shooting up again,” dagdag pa ni Balderian. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.