IPINAALALA ng Department of Tourism (DOT) sa mga hotel, resorts at mga accredited accommodation establishments na tumatayong Quarantine Hotels na pwedeng payagang magkakasama sa iisang kwarto ang pamilyang magkakasamang nagbiyahe, lalo na ang may mga kasamang bata.
Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, nakatanggap ng report ang DOT na nagpapatupad ang mga nasabing establisimyento ng one-room-one-person policy kahit pa pamilya na ang usapan.
Aniya, kailangang maiwasan ang kalituhan kahit pa kailangang sumunod sa quarantine requirements ang mga manlalakbay.
Kinumpirma ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na kailangang sumunod ang mga hotel sa DOT Ad-ministrative Order na pinapayagan ang pamilyang magkakasama sa iisang kwarto habang sumasailalim ng mandatory quarantine.
Ang nasabing Administrative Order ay pinayagan ng Department of Health (DOH) at Bureau of Quarantine (BOQ).
Base sa DOT Administrative Order No. 2021-004-A, required ang single occupancy sa mga guest na hindi magkakapamilya. — KAYE NEBRE MARTIN
243871 89840Some really good stuff on this web internet site , I enjoy it. 895536
216130 32308I got what you intend, saved to my bookmarks , quite decent web site . 830303