ROQUE NAG- ALOK NA MAGING MEDIATOR SA UP AT DND

Harry Roque

PARA kay Presidential Spokesman Harry Roque, masinsinang pag-uusap ang magreresolba sa iringan ng Department of National Defense at University of the Philippines makaraang ipahinto ang kanilang 1989 accord.

Ang DND-UP 1989 Accord ay kasunduan ukol sa presensiya ng militar at pulis sa mga campus.

Dahil sa lumalalang sigalot ay inialok na ni Roque ang kaniyang opisina para makapag-usap ang dalawang panig.

“I’m opening my good office for them to have this discussion,” wika ni Roque, na isang UP alumnus at dating miyembro ng faculty ng unibersidad.

Ayon kay Roque, suportado niya ang panawagan ni UP President Danilo Concepcion para sa isang diyalogo kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ukol sa isyu.

Sa ilalim ng kasunduan na pinirmahan noong Hunyo 1989, bawal pumasok ang mga sundalo at pulis sa anumang UP campus o mga regional unit nito nang walang paunang pasabi sa administrasyon ng UP.

Tiwala naman si Roque na hindi matatakot ang mga estudyante ng UP sa pagbasura ng nasabing kasunduan dahil nalampasan na aniya ng unibersidad ang madilim na bahagi ng Martial Law.

“All I’m saying is, let’s talk about this; I support the steps of the UP President and let’s see why a 30 year old accord should not be continued when it has worked, apparently perfwct well in the past 30 years” sabi pa ni Roque sa kasunduan na ibinasura ng DND nitong Enero 15. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.