Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Alaska vs Meralco
7 p.m. – Ginebra vs Magnolia
SUMANDAL ang Rain or Shine sa free throws ni Gabe Norwood sa huling 5.9 segundo upang maitala ang 108-106 come-from-behind win at kunin ang liderato na may 8-1 kartada sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.
Tabla ang talaan sa 106-106, kinuha ni import Reginald Johnson ang defensive rebound at ibinigay ang bola kay Norwood sa pamamagitan ng baseball pass, na nakakuha ng foul kay Jeff Chan para sa dalawang bonus shots.
Naibuslo ng Filipino-American ang dalawang charities upang ibigay ang panalo sa ROS sa tuwa nina coach Caloy Garcia at team owners Terry Que at Raymond Yu.
Binasag ng Elasto Painters ang pangalawang pagtatabla sa fourth period, 98-98, sa 6-0 run nina James Yap, Johnson at Raymond Almazan para sa 104-98 talaan.
Pinamunuan ni Johnson ang scoring offensive subalit si Yap ang itinanghal na ‘Best Player of the Game’ dahil ang kanyang 13 points ang naghatid sa panalo sa Elasto Painters.
Tumawag ng timeout si Phoenix coach Louie Alas para ikasa ang final offensive subalit nag-backfire ang kanyang game plan upang kunin ng ROS ang panalo.
Sa pagkatalo ay bumagsak ang Phoenix sa 3-6 record sa fourth overall.
Kinailangan ng Elasto Painters na kumayod nang husto sa fourth quarter para maitakas ang panalo.
“It was a hard earned victory. They really fought hard and consolidated their efforts to win,” sabi ni coach Garcia.
Isang dahilan sa pagkatalo ng Phoenix ang walang siglang laro ni import Eugene Phelps na hindi umiskor sa final period sa lungkot ni coach Louie Alas.
Iskor:
Rain or Shine (108) – Johnson 32, Yap 13, Belga 13, Almazan 11, Tiu 9, Daquioag 7, Ponferada 7, Ahanmisi 7, Norwood 5, Borboran 2, Nambatac 2.
Phoenix (106) – Chan 26, Phelps 26, Wright 15, Jazul 13, Kramer 11, Wilson 6, Perkins 5, Chua 4, Revilla 0, Intal 0, Mendoza 0.
QS: 17-31, 45-57, 80-85, 108-106.
Comments are closed.