Rosa Mystica ang matulaing titulo ni Birheng Maria – ang ina ni Jesucristo at ng buong sandaigdigan. Dahil nalalapit na ang pagdiriwang ng ‘Araw ng mga Ina’ o ‘Mothers’ Day’, unahin na natin si Maria, dahil sa totoo lang, ang buwan ng Mayo, na buwan din ng mga bulaklak, ay iniaalay ng mga Katolico para sa kanya.
Mystical Rose – mahiwagang rosas. Batay sa mga aparisyon ni Maria, pag-ulan ng rose petals o amoy ng sariwang rosas ang patunay na si Maria ang nagpakita. Sa kanyang mensahe, palaging iginigiit niya ang pagdarasal, pagsasakripisyo at pagsisisi sa mga kasalanan. Sa mga nakaraan niyang aparisyon, nakasoot ang Birhen ng mahabang putting damit at may hawak na tatlong pulang rosas malapit sa kanyang dibdib.
Bawat ika-30 araw ng buwan ay maituturing a Marian Day o araw ni Maria. Sa madaling sabi, sa loob ng isang taon, 11 beses na ipagdiriwang ang Marian Day.
Ayon kay Blessed Cardinal John Henry Newman, tinawag ang Birheng Maria na Rosa Mystica dahil siya ang “Queen of spiritual flower” – at pag sinabing bulaklak, ang unang naiisip natin ay mga rosas dahil ito ang itinuturing na pinakamagandang bulaklak sa buong mundo. Sa kagandahang taglay ni Birheng Maria sa loob at sa labas, dapat lamang na ikumpara siya sa rosas.
Ngunit may tatlong balaraw ding nakatarak sa Rosa Mystica. Ang unang balaraw ay ang representasyon ng hindi paggalang sa Banal na Misa at pagtanggap ng Banal na Komunyon sa paraang hindi nararapat. Ang ikalawa ay ang pagtatalusira ng ilang pari at mga relihiyoso; at ang ikatlo ay ang pagtataksil sa pananampalataya.
Sumisimbulo ang mystic rose sa misteryosong partisipasyon ni Maria Holy Trinity bilang isang mahiwagang rosas. Noong unang panahon, ang rosa mystiva ay iginuguhit na may apat na talulot sa mga stain glass background o multi-colored background tulad ng sikat na quilt pattern na hangga ngayon ay ginagawa pa rin.
May mga kaakibat na panalangin ang tatlong rosas ni Maria. Ang putting rosas ay panalangin sa pagpupunyagi sa pagkakaroon nh relihiyosong bokasyon, ang pulang rosas ay panalangin at sakripisyo sa ipagpapatawad ng nga kasalanan, at ang ginintuang rosas ay sumisimbulo sa taimtim na pag-ibig.
Magkaminsan naman, naiiba rin ang kulay nito. May Amaryllis Mystica (golden yellow), cybister amaryllis (light yellow), may lime green, at terracota. Bawat bulaklak ay may maninipis na talulot na nagbibigay ng kakaibang bango. NLVN
Prayer to Our Lady
Rosa Mystica?
Rosa Mystica, Immaculate Virgin
Mother of Grace.
In honour of thy Divine Son,
we prostrate ourselves at thy feet
to implore God’s mercy.
We beg for help and grace,
not relying on any merit of ours,
but on the kindness of thy motherly heart,
and confident that thou will
grant our urgent requests, Amen