ROSARIO-SANTOS TRADE TULOY NA?

on the spot- pilipino mirror

TULUYAN nang nawalan ng gana ang  management ng TnT kay Troy Rosario kaya patuloy itong inaalok  sa iba’t  ibang team. Mukhang nagkaayos na sa trade ang TNT Tropang Giga at ang San Miguel Beer, kapalit ni Arwind Santos at isang draft pick.

Ganito ba katindi ang sama ng loob ng management kay Rosario? Kaya hindi tumigil hanggang hindi siya nakukuhanan ng ka-trade. Mukha namang walang lugi sa trade kahit sabihing  39 anyos na ang tubong Pampanga na  si Santos tapos plus draft pick.

Napakalalim ng mga player na sasama ngayon sa 2021 PBA Draft. Habang si Troy naman ay batang-bata pa at marami pa siyang ilalabas na puwersa upang matulungan ang Beermen na unti-unting nagbi-build ng mga batang player. Good luck.

vvv

At long last, balik-PBA na rin itong si Ronald Tubid na halos isang taon ding nawala sa professional league. Hindi maglalaro si Tubid  kundi magsisilbi siyang assistant ni coach John del Cardel sa kampo ng TerraFirma. Matatandaang si Ronald ay kasama sa kaguluhan na naganap sa San Miguel Beer. Fil-Am player laban sa mga local ng team. Sa madaling salira ay nasuspinde sina Tubid at  Kelly Nabong, samantalang ang iba pang sangkot tulad nina Chris Ross at Arwind ay pinagsabihan  ni sports director Alfrancis Chua. Excited na ring makasama ni Cardel si Tubid para sa kanilang team.. Congrats Ronald at welcome sa TerraFirma team

vvv

Kahit senior citizen na itong si coach Arlene Rodriguez, dating coach ng Formula Shell at Ginebra, at New Era ay aktibo pa rin ito sa  basketball.  Hindi rin tumitigil sa pagtakbo-takbo tuwing umaga para laging healthy.

Para  ngang wala hindi siya  66 yrs old dahil patuloy ang pagiging aktibo sa basketball.

Puwedeng-puwede  pa si coach Arlene Rodriguez para sa team. Puwede pa siyang maging asst. coach ng team or team consultant. Kung  kalibre lang ang pag-uusapan ay magaling si coach Arlene lalo na sa pag-motivate ng mga player. Sana nga ay may makaalala sa kanya para naman makatulong ito at lalo pa niyang maipagpatuloy ang pagmamahal niya sa basketball.

Comments are closed.