Rosas, bulaklak ng pag-ibig

Ni Kaye Nebre Martin

ROSES  ang favorite flowers ko dahil iyan ang pangalan ko. Rosa Katerina. Yan din ang ipinangalan ko sa aking panganay – Rose Catherine. Sabi nga sa kanta, “Roses are red my love, violets are blue. Sugar is sweet my love, but not as sweet as you.” In fairness, sabi nila, sweet raw naman ako paminsan-minsan.

Sung Dynasty (960-1279) ang panahon ng mga babaing Chinese, at dahil 25% Chinese naman ako, sa mother side, ikokonsidera kong may Chinese blood din ako kahit man lamang sa article na ito.

Ito yung panahong itinatali ang mga paa ng kababaihan para hindi makalayo sa bahay. Ayon kasi sa mga Confucian scholars, mas mabuti pang mamatay sa gutom ang isang balong babae kesa mag-asawa uli. Sa ngayon, may mga improvements na sa estado ng kababaihang Chinese pagdating sa pagpapakasal at karapatan sa mga pag-aari. Sa panahon kasi ng Sung Dynasty, pre-arranged ang pagpapakasal ng babae, magiging tagapagsilbi ng biyenan, magsisilbing breeding machine para sa asawa, at pakikisamahan ang mga concubines kahit pa masasama ang ugali nila. Biruin mo yon, ikaw ang asawa pero ikaw ang makikisama sa mga mistresses. As in MGA – hindi iisa kundi pwedeng dalawa o tatlo o mas marami pa.

Hindi katanggap-tanggap sa kasalukuyang panahon ang pananaw noong araw, kung saan umiikot lamang sap ag-aasawa ang ideya at pananaw sa buhay ng babae. Kaya nga nagdarasal sila sa matandang lalaking nakatira sa buwan, upang maging maligaya sa piling ng mapipiling llalaki ng kanyang mga magulang.

Kahit walang tinig ang kababaihan sa Sung Dynasty, nakagagawa pa rin sika ng paraan upang maiba naman. Ang babae ay tao rin, may talino at pag-iisip na kung minsan ay higit pa sa kakayahan ng isang lalaki. Oo nga at nananatiling patrilineal at patriarchal ang Chinese family kahit sa kasalukuyang panahon, ngunit may boses na ngayon ang kababaihan, at may kapangyarihang sapat upang iangat ang kanyang sarili.

Bago tayo malihis sa totoong topic, ano naman ang kinalaman ng Sung Dynasty sa roses?

Natural na may roses din sa ancient China. Ayon sa pag-aaral ng botanical fossils, ancient painted pottery with colors, frescos, paintings, porcelain, at red wood furniture, may mga bulaklak silang kahawig ng modern roses na nakikita natin ngayon at ito ay way back 1000 years ago. Saka noong panahon ng mga Kastila at Portuguese, may roses din sa China. Bqtqy din sa feng shui principles, nagdadala ang mga rosas ng positive energy at nagpapalaganap ng pag-ibig, kaligayahan at pagmamahal, bukod pa sa nagbibigay rin healing at relaxation. At kung gusto ng magpapakasal na maging masaya ang kanilang pagsasama, ipinapayo ng feng shui na pagsamahin sa bouquet ng bride ang pink and red roses. Sa mga Chinese, sinisimbulo ng red roses ang pag-asa ng pagkakaroon ng pag-ibig at pagmamahalan.

Pinaniniwalaan din nilang nagdadala ng swerte ang pagtatapon ng dahon ng roses sa apoy, ngunit hindi ito dapat dumampi sa lupa dahil kabaligtaran ang mangyayari. Naniniwala rin silang ang pagtatanim ng roses sa puntod ng namatay ay nagtataboy ng masasamang Espiritu.

Bakit naman sila tinawag na roses? Roses, rosa sa Spanish at triandafila sa Greek, na kasama sa pamilya ng Rosaceae at genus Rosa; na may 150 species. Ayon sa Greek Mythology, si Aphrodite, Diyosa g kagandahan, ang nagbigay dito ng pangalan. Ibinigay ni Aphrodite ang rose kay Eros, ang kaisa-isa niyang anak. Si Eros ang Diyos ng pag-ibig kaya kalaunan ay naging bulaklak na rin ng pag-ibig ang roses.

May kahulugan ang bilang at kulay ng roses. Halimbawa, red para sa true love, blue para sa misteryo, puti para sa innocence at purity; black para sa kamatayan; yellow para sa pagkakaibigan; at orange o peach para sa passion.

Kung bagong kakilala, pwedeng magbigay ng 7 roses na ang ibig sabihin ay “type kita.” Kung 8 naman, support sa kaibigan o pamilya sa madilim na bahagi ng buhay; kung 9 roses, eternal love at pagnanais na makasama ang significant other habambuhay.

Rose, past tense ng rise, pero bulaklak din na may mabangong amoy. Maganda nga, ngunit may tinik naman. Ibig sabihin, may natatagong lakas kahit mukhang mahina. Simbulo ng kagandahan, romance, love at tapang. Ayon sa Biblia, simbulo ito ng pag-asa. Hindi ba ninyo napunang sa bawat pagpapakita ng Mahal na Birheng Maria ay may amoy ng sariwang rosas o may ulan ng mga rose petals? Si Aphrodite rin. Sumisibol ang mga bulaklak ng roses sa lupang nayayapakan niya. Iba naman ang kahulugan nito sa Diyosa. Kaya nga naging simbulo rin ang red roses ng love and desire. At si Adonis, ang lalaking bumigo kay Aphrodite, kung alam ninyo ang kanilang love story, ay ikinulong sa matinik na roses bilang parusa.

Kung ang kahulugan ng roses ay eternal love o true love, tapang, at respeto, , ang kahulugan naman ng black rose ay kamatayan, anarkiya at kalungkutan. Honestly, hindi pa ako nakakakita ng totoong black rose kahit pa bouquet seller ang best friend kong si Maryrose Panaligan. Pero nakakita na ako ng white rose na kinulayan ng itim, blue at green.

Kung nagkataong favorite niyo ang yellow roses tulad ko, sorry tell you na negative ang meaning nito sa magsing-irog. Tinatawag ang yellow roses na jealousy rose o “breakup rose.” Actually, hindi lang naman yellow roses kundi lahat ng bulaklak na kulay dilaw. Kaya kapag binigyan ka ng yelloiw roses ng boyfriend o asawa mo, basahin mo agad ang note – baka gusto nang makipaghiwalay, hindi mo pa alam. Pero sa mga friends, friendship and joy ang meaning nito.

Tayong mga babae, kahit sinasabi nating hindi tayo mahilig sa bulaklak, sumasaya tayo kapag may nagbibigay ng bulaklak lalo na kung roses, may okasyon man o wala, ikaw, kelan ka huling nakatanggap ng roses?