KINUHA ng Blackwater Bossing si Gilas Pilipinas 3×3 player Brandon Ganuelas-Rosser bilang top overall pick sa PBA Rookie Draft kahapon sa Robinsons Place Manila.
Si Ganuelas, naglaro rin sa PBA 3×3 league, ay nagkasya sa bronze medal finish sa 31st Southeast Asian Games noong Sabado.
Pinili naman ng Terrafirma si Jeremiah Grey bilang number two pick.
Sina NCAA standouts Jeo Ambohot ng Letran Knights at Justin Arana ng Arellano University ang no. 3 at 4 picks, ayon sa pagkakasunod, ng bagong koponang Converge Fiberxers.
Kinuha ng Rain or Shine bilang no. 5 pick si Ateneo de Manila’s Gian Mamuyac, habang si JM Calma ng San Sebastian College-Recoletos ay pinili ng NorthPort Batang Pier sa no. 6.
Sumunod sa kanila sina Tyrus Hill (NLEX), Javi Gomez de Liaño (Barangay Ginebra), Kurt Lojera (Blackwater), Shaun Ildefonso (Rain or Shine), Mark Dyke (Blackwater), at Keith Zaldivar (Magnolia). CLYDE MARIANO