ROSSER ‘TROPA’ NA

ANG pagkakataong makapaglaro sa ilalim ni coach Chot Reyes sa PBA.

Ito ang dahilan sa likod ng desisyon ni Matt Ganuelas Rosser na lumipat sa TNT Tropang Giga mula sa Terrafirma.

Ang 31-year-old wingman ay hindi pa nakapaglalaro sa ilalim ni Reyes maliban noong panahon niya sa Gilas Pilipinas sa kaagahan ng kanyang career.

Ang 58-anyos na si Reyes ang kumuha sa kanyang serbisyo para sa national team simula sa 2012 Jones Cup.

“He joined TNT kasi he wanted to play under (coach) Chot, who got him when he first came over to the Philippines to play for Gilas,” sabi ni agent Charlie Dy sa sports program Power & Play na hinost ni dating  PBA commissioner Noli Eala.

Kinatawan ni Dy ang Fil-Am player na ipinanganak sa Olongapo.

Nauna nang tinanggihan ni Ganuelas-Rosser ang two-year offer ng mother team Terrafirma at inilagay ang kanyang sarili bilang isang unrestricted free agent.

Ang 6-foot-4 na si Ganuelas-Rosser ay kinuha bilang no. 4 overall sa 2014 draft ng NLEX. CLYDE MARIANO