ROVIDOC NG BULSU ISASALBA ANG PASYENTE NG COVID-19 SA BULACAN

ROVIDOC

LUNGSOD NG MALOLOS- INAASAHANG makatutuwang ng mga doktor at nurse na gumagamot sa mga pasyenteng may COVID-19 sa centralized quarantine facility ng Bulacan Medical Center ang Robot Roving Doctor o ROVIDOC na naimbento ng mga propesor sa Information Technology ng Bulacan State University (BulSU) – San Jose Del Monte Campus.

Tinatayang masusubukan na ito sa susunod na dalawang linggo kung saan may kapasidad itong direktang kumalinga sa pasyente na hindi na kailangang lapitan ng personal ng mga duktor at nars.

Bukod dito, kaya nitong magbigay ng suplay ng gamot sa takdang araw at tamang oras at magbantay ng mga kundisyon ng pasyente sa pamamagitan ng nakakabit na ROVIDOC Apps.

Base sa disenyong iprinisinta kay Gob. Daniel R. Fernando, sinabi ni Propesor Jayso n M. Victoriano, direktor ng Institute for Innovation in Business and Emerging Technologies o IIBET ng BulSU-San Jose Del Monte, nakatayo ang robot sa isang platformna may ‘caterpillar’ na gulong upang maging matatag at banayad ang pag-andar.

Nakatuntong din ang isang aluminum post kung saan mayroon itong utility tray na lalagyan ng gamot o anumang kailangang dalhin sa pasyente. Kakabitan ito ng tablet, isang uri ng gadget, upang doon iprograma ang mga detalye kung kailan iinom ng gamot o anumang pangangailangang medikal ang isang partikular na pasyente. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.