PANGUNGUNAHAN ng mga bagong opisyal ng Philippine Rowing Association, sa pamumuno ni president Patrick ‘Pato’ Gregorio, ang mga panauhin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel Manila.
Si Gregorio ay sasamahan ni deputy secretary-general Magnum Membrere upang talakayin ang kanilang mga plano para sa asosasyon sa public sports program na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Inimbitahan din si Philippine Sports Institute (PSI) national training director Marc Velasco sa 10:00 a.m. session upang talakayin ang 30th anniversary ng Philippine Sports Commission (PSC) sa January 24.
Hinihikayat ang PSA members na dumalo sa forum na naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 sa 1-2 p.m. at 6:30 p.m.
Comments are closed.