ROXANNE BARCELO IKINASAL NA

ROXANNE BARCELO

“TOTOO pala ’yung, ‘when you know, you know.’ I knew from the start na siya ’yung para sa akin. Like I said in my vlogs, he is worth the wait and so am I.”

Ito ang masayang ibinahagi ni Roxanne Barcelo na ikinasal na sa kaniyang boyfriend. Sa kaniyang vlog, sinabi niya na nag-propose sa kanya ang kaniyang boyfriend ilang buwan matapos ipatupad ang quarantine.

Marami ang nabigla sa pagbubunyag ng aktres na ito ay ikinasal na.

Araw mismo ng Pasko, nag-post ito ng larawan sa kaniyang social media habang nakasuot ng wedding gown kayakap ang isang hindi niya ipinakilalang nobyo.

Mula nang ipinamalitang mayroon na itong idini-date hanggang nitong simula ng buwan ng Disyembre ay sinabing engaged na  kung saan ipinakita ang kaniyang singsing.

Year 2018 nang magkahiwalay ang aktres at nobyong si Will Devaughn.

Bumuhos naman ang pagbati rito mula sa  mga kapwa artista.

Comments are closed.