ROXANNE BARCELO MALUNGKOT NA ‘DI NAABUTAN NG AMA ANG TNT CELEBRITY EDITION

HINDI mapigilan ni Roxanne Barcelo na maiyak sa isang panayam dahil mayroon entra eksenapa ring mala­king kulang sa buhay niya kahit dagsa  ang blessings na dumarating sa kanya.

Last July kasi ay yumao ang Tatay niya at mas masaya raw kung buhay pa ito para nakikita ang mga magagandang nangyayari sa kanya.

“Siya lang kasi ang naniniwala sa akin. Sinabi niya na mag-artista ako nu’ng umuwi kami ng Fi­lipinas when I was 13. He believes na magaling daw akong singer so I joined the Metro Pop and I won! Tapos nu’ng nag-artista na ako hanggang masali na ako noon sa youth-oriented TV show na “Click” sa GMA 7 where I really started my showbiz career. And until now, nandito pa rin ako sa showbiz.

“I felt sad kasi wala na siya when I joined the TNT Celebrity Champions. Hindi man ako nanalo, I’m sure na happy siya dahil I did my best para sa kanya”, pahayag ni Roxanne na tuloy-tuloy ang agos ng luha.

Nagpapasalamat siya sa RKB Productions, owned by enterpreneur Bernard Chong dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya upang magbida sa unang handog nito, ang “Love Is Love” na kakaiba ang istorya.

Kilig siya dahil super crush niya ang leading man na si JC de Vera na first time niyang makatrabaho.

Ayon sa direktor ng pelikula na si GB Sampedro, personal choice niya si Roxanne sa kakaibang role at napakahusay daw nito sa role niya.

Bongga rin ang role ni Raymond Bagatsing bilang gay at lover si Jay Manalo.

FAP AT FDCP NAGSANIB-PUWERSA SA LUNA AWARDS

NAGSANIB-pu­wersa sa unang pagkakataon ang Film Academy of the Philippines(FAP) at Film Development Council of the Philip-pines(FDCP) upang isagawa ang Luna Awards. Sa November 30, 2019 magaganap ang ika-37  Luna Awards night  at tiyak na star-studded  ito na dadaluhan ng mga beterano, batikan at artista na pangungunahan nina FAP Director-General Vivian Velez at FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

Tatanggap ng mga natatanging parangal sina Mother Lily Monteverde bilang Fernando Poe , Jr Lifetime Achievement Award, Nova Villa bilang Manuel de Leon Award for Exemplary Achievement at Posthumous Lamberto Avellana Memorial Award kina Direk Wenn de Ramas at Direk Soxie Topacio.

Sampung araw bago ang ika-37 Luna Awards, nagkaroon naman ng “Nominees Night” sa Delgado 112. Ipinakilala ang mga nominadong mga artista at direktor. Dumalo sina Glaiza De Castro, Nova Villa, Max Collins at dyowang si Pancho Magno, Nico Manalo, Direk Chito Roño, Direk Kip Oebanda at iba pa.

oOo

SHOWING na sa Wednesday, November 27, 2019 ang “The Adventures of Ariel & Maverick”  at sa dami ng guest mula sa mga artista, singer at politician, tiyak na mage-enjoy ang mga manonood bukod pa sa namiss nilang tandem ng dalawa  sa te­lebisyon na puros kalokohan at hitik sa katatawanan ang pinaggagagawa.

Pati si Pangulong Duterte at Senator Trillanes ay napapayag mag-guest ni Ariel. Andun din sina Coco Martin, American Idol Jasmine Frias, at napakarami pang iba.

Dapat panoorin ang movie  na magpapatigil ng mundo n’yo sa huling parte ng pelikula.