ROXANNE BARCELO MARAMING KA-KABOGING MANG-AAWIT

ROXANNE BARCELO

ANG sabi, palihim daw na tinataasan ng kilay ni Ethel Booba ang singing skill ni sizzling bitsRoxanne Barcelo dahil ang feeling niya ay kayang-kaya niya itong lampasuhin.

Really? Hahahahaha!

Honestly, kung timbre ng boses ang pag-uusapan, may edge talaga si Ethel kung ikukumpara kay Roxanne.

But then, to be a truly effective entertainer, the quality of one’s voice is palpably not enough.

Unang-una, dapat you should possess a riveting personality. Hindi sapat ang ganda. Dapat ay mayroong ‘it’ o sex appeal.

Ikalawa, you must be a glib talker. ‘Yun bang kapag ibinuka mo na ang iyong bibig ay mae-entertain ang mga tao.

At ‘yan ang edge ni Roxanne sa mga entertainer na kapanabayan niya sa ngayon at siyang naging dahilan kung bakit tinalo niya ang ‘di hamak na magagaling na performers at belters tulad nina Rap Salazar, Ana Ramsay, at Thor Dulay.

Anyway, nangako raw si Randy Santiago na isasama niya sa kanyang series of shows sa abroad si Roxanne dahil nakita niya ang promise nito as a performer.

Articulate kasi si Roxanne dahil graduate siya ng isang four-year course at ‘yan ang kanyang edge sa ibang entertainer diyan.

Kaya ‘yung mga nagtataas ng kilay kay Roxanne, manigas kayo. Hahahahaha!

Bukod sa napaka-sexy niya, she has a very colorful personality and a very good comedienne to boot.

NAGBEBENTA NA LANG NG MGA LUMANG GAMIT AT ALAHAS

KUNG dati ay hindi niya naiisip na despatsahin ang kanyang impressive pieces of jewelry and bag collections, ngayon, dahil sa hindi na kalakihan ang kanyang kita at dahil sa medyo nagkakaedad na siya, naisipan niyang ibenta na ang kanyang expensive bags at jewelry collection.

Dati kasi, at the height of her beauty and sexiness, picking apples lang siya sa paghamig ng andalu. Hahahahaha!

But now that she is a bit mature and not as svelte as before, no men are dying to be with her! Hahahahaha!

Kung noon ay much sought-after siya sa mga kalalakihan at may nire-rent pa nga siyang unit solely for this purpose, these days, no man would dare touch her with a ten-foot pole. Hahahahaha!

How so very sad!

Kaya hala! Nilalako talaga niya ang kanyang dati-rati’y expensive signature bags at diamonds galore. Hindi na kasi niya kailangan ang mga alahas kundi andalu. Magkano lang naman kasi ang perang nakukuha niya sa mga TV guestings na ‘yan, ‘di ba naman?

‘Yun nah!

LUMABAS NA NAMAN ANG PAGKA-IMPAKTA NI KENDRA

MAGALING na aktres talaga si Aiko Melendez.

Kung hindi mo siya kilala nang personal, you would be carried away with her performance at the top-rating soap of GMA network titled Prima Donnas. Sa totoo, ang kanyang riveting performance as Kendra ay pinakaaabangan at kinai-imbiyernahan. Hahahaha!

Sa latest episode ng Prima Donnas, dinuru-duro niya at pinagsasabunutan si Katrina Halili, who’s delineating the role of Lillian Madreal, na nang masaktan siyempre ay gumanti at pinagmukha siyang punching bag.

Buti nga!

Ang kaso, narinig nina Lady Prima at Jaime Claveria ang kanilang pag-aaway at tiyempong ang nakita ng Madreal matriarch ay ang eksenang nasa ibabaw si Lillian at sinasabunutan nito si Kendra.

Natural, masama na naman ang impression na na-generate ng eksenang ‘yun kaya nagpasya si Lillian na magpaalam na lang kay Jaime para magkaroon na silang mag-ina nang katahimikan.

Sa parte naman ng tatlong Donnas, nagbago-bago na ang masungit na tiyahin ng kanilang kaibigang gwaping (i’m sorry, I forgot his name..Hahahaha!) at maganda na ang trato nito sa kanilang magkakapatid.

Kung hanggang saan makatitiis si Lillian sa pagka-impakta nina Kendra at Brianna (Elijah Alejo) ay siyang dapat abangan sa Prima Donnas na napanonood right after Magkaribal sa afternoon prime ng GMA.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.