ISASARA ang bahagi ng southbound lane ng Roxas Boulevard, ngayon, Hulyo 7.
Ito ay para magbigay daan sa isasagawang clean-up activities sa Manila Bay.
Sa abiso ng Public Information Office ng Manila Police District (MPD), sarado mula-3:00 ng madaling araw hanggang 7:00 ng umaga ang southbound ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo.
Kaugnay nito ay naglatag ng alternatibong ruta ang MPD na maaaring pansamantalang daanan ng mga motoristang apektado ng pagsasara ng bahagi ng Roxas Blvd.
Ayon sa MPD, lahat ng mga sasakyang manggagaling ng Bonifacio Drive ay maaaring kumaliwa sa P. Burgos Avenue para makapunta ng kanilang destinasyon.
Habang maaari namang dumiretso sa Taft Avenue ang mga motoristang manggagaling sa Jones, McArthur at Quezon Bridges.
Kinakailangan namang kumanan sa Bonifacio Drive o mag-U turn sa eastbound lane ng P. Burgos Ave. ng mga motoristang dadaan sa west-bound nito, habang ang mga manggagaling sa T. Kalaw patungong Roxas Blvd. ay kinakailangang kumaliwa ng M.H. Del Pilar Street. DWIZ882
Comments are closed.